SLMT JUSTIN AT A’TIN!
- angelinemtanqueco
- Jun 8, 2023
- 1 min read
Posted on Pilipino Star Ngayon Digital's Facebook and Twitter pages
Facebook link: https://bit.ly/3J409yV Twitter Link: https://bit.ly/3CiVncU
Bilang birthday celebration ng youngest member ng P-Pop group na SB19 na si Justin De Dios, siya ay nag tree planting kasama ang kanyang mga fans sa Legacy Trail sa Mansungi Georeserve sa Rizal.
Masungi Georeserve/Facebook
“Hindi lang tayo basta-basta [nagsasaya]. Nag-e-enjoy tayo, nakakabuo tayo ng masayang community, but at the same time nakakatulong tayo sa kalikasan,” sabi umano ni Justin, ayon sa isang Facebook post ng Masungi Georeserve.
Hindi naman nagtapos sa pag-tanim ng Narra saplings ang kanyang makabuluhang selebrasyon. Ayon sa Masungi Georeserve, nagbigay rin umano ng bukas-palad na donasyon ang SB19 member kasama ang kanyang mga fans, o ang A’Tin.
Noong nakaraang March lamang, natulungan din umano ng A’Tin ang Masungi Georeserve sa pag-abot ng kanilang mga target signatories para sa #SaveMasungi campaign.
“They (A’Tin) are part of our cause and their support always encourages us to continue our work despite the challenges,” sabi ng Masungi Georeserve. Noong July 7 ang 24th birthday ni SB19 Justin na kung tawagin ay “bunso.”
Samantala, ang nasabing Legacy Trail ay isang immersion sa mas malawak na restoration efforts ng Masungi Geopark Project na kasalukuyang nagpapatuloy. Kahit sino ay maaaring maging parte ng proyektong ito.
Ang mga karagdagang detalye naman ay maaaring ma-access sa Facebook account at website ng Masungi Georeserve.













Comments