top of page
Search

Felip, Dinala ang P-POP at Filipino mythology sa Recording Academy

  • Writer: angelinemtanqueco
    angelinemtanqueco
  • Jun 7, 2023
  • 2 min read

Updated: Jun 8, 2023

Published on Pilipino Star Ngayon Digital's Facebook and Twitter pages

Facebook Link: https://bit.ly/3P0f2G1 Twitter Link: https://bit.ly/3WSwVIM


Nag perform ang SB19 member na si Ken Suson para sa Global Spin ng Recording Academy na inilabas ngayong Miyerkules, July 6.


Kilala sa kanyang soloist name na “FELIP,” matatandaan na itinatampok niya ang kanyang Bisaya roots sa kanyang solo projects. Para sa nasabing performance, nag-bigay si FELIP ng isang “awe-inspiring” performance sa kanyang kantang pinamagatan na “Bulan.”


Si Bulan ay isa sa mga kilalang Bicolano deities. Siya ay isang moon god na may kakayahan umano na mapaamo at mapasunod kahit na ang pinakamabangis na halimaw.


“His song's message is one of brushing off negativity, and issuing a word of caution to any naysayers who would try to diminish his accomplishments,” sabi ng isang contributor ng GRAMMY na si Carena Liptak.

Sa kanya namang unang project bilang soloist, maaalala na sinulat at kinanta ni Felip ang “Palayo” sa Bisaya.


“In this episode of Global Spin, FELIP — also known as SB19's Ken — dives into Filipino mythology to use the myth of Bulan as a lesson for modern life,” sabi ng Recording Academy sa kanilang description sa performance video ni Felip.


Ang Global Spin ay ang digital performance series ng GRAMMY.com na may layong bigyan ng spotlight ang mga artists mula sa iba’t-ibang parte ng mundo.


“Global Spin is the new home for global music on GRAMMY.com, where the celebration of the genre and the international artist community is the focus,” sabi ng Recording Academy.


Ang SB19 member na si Ken Suson ang kauna-unahang full-blooded Filipino artist na nag-perform para sa Global Spin ng GRAMMYs.


Maaaring mapanuod ang performance video ni FELIP sa YouTube channel ng Recording Academy / GRAMMYs.

Screenshots from Recording Academy/GRAMMYs/YouTube









 
 
 

Comments


bottom of page