top of page
Search

A’TIN LABAN SA K-POP FAN BASES SA BILLBOARD FAN ARMY FACE-OFF

  • Writer: angelinemtanqueco
    angelinemtanqueco
  • Jun 8, 2023
  • 1 min read

Posted on Pilipino Star Ngayon Digital's Facebook and Twitter pages


Isa sa mga trending topics ngayon sa Twitter sa Pilipinas ang fan base ng P-Pop group na SB19 na kung tawagin ay “A’Tin” matapos makasama ang nasabing fan base sa Top 2 ng Billboard Fan Army Face-Off 2022.


Photo grabbed from officialsb19/Instagram


Mula sa 64 na fan armies ng iba’t-ibang artists, umabot sa Top 2 ang A’Tin. Nakasama naman nito sa Top 4 ang mga fan armies ng Seventeen, Stray Kids, at TOMORROW X TOGETHER.


Ngayon, ang makakaharap ng A’Tin sa Billboard Fan Army Face-Off ay ang fan base ng K-Pop group na Stray Kids na kung tawagin ay “STAY.”


Ang A’Tin ang natatanging P-Pop fan base na nakasama sa top contenders.


Ang face-off ay isang hamon para sa fans ng mga artists upang malaman kung sino ang “strongest.” Matatandaan naman na na-break ng kantang “Bazinga” ng SB19 ang “most weeks” record ng “Butter” ng BTS sa tuktok ng chart ng Billboard Hot Trending Songs nitong Enero.


Matatapos ang voting para sa nasabing face-off sa darating na July 19, 12 p.m. ET.


 
 
 

Comments


bottom of page