top of page
Search

SESSION ROAD AS A GIANT CANVAS

  • Writer: angelinemtanqueco
    angelinemtanqueco
  • Jun 8, 2023
  • 1 min read

Posted on Pilipino Star Ngayon Digital's Facebook page


Ibinahagi ng isang netizen sa kanyang Facebook post ang mga litrato ng mga nakilahok sa paggawa ng chalk art sa Session Road sa Baguio nitong nakaraang Linggo, July 3.


Ayon kay Glysdi Reyta, maaari raw umano makilahok ang kahit na sino, kabilang na rito ang mga bata at mga non-artists, sa nasabing kaganapan.


“Yes lahat po pwede kahit hindi artist. Any ages po pwede,” sabi ni Reyta.


Glysdi Faye Jocson Reyta/Facebook


Nagsimula umanong isara ang bahagi ng Session Road para sa paggawa ng chalk art noong 2019 ngunit ito ay nahinto dahil sa Covid-19. Ayon kay Reyta, bumalik naman ito noong Nobyembre ng nakaraang taon.


“Session Road transforms into a giant canvass for both artists and non-artists through chalk art every time the premier and historic street closes to traffic on Sundays,” sabi ng LGU ng Baguio City sa kanilang Facebook post noong March 2.


Mula rin sa nasabing Facebook post, bahagi raw ito ng kanilang pag-suporta at pag-sulong sa kanilang “vibrant arts community.”


Ang Baguio City ang kauna-unahang lungsod sa bansa na itinalaga ng UNESCO Creatives Cities Network bilang isang UNESCO Creative City for Crafts and Folk Arts noong 2017.

 
 
 

Comments


bottom of page